-- Advertisements --

Maaaring sa regular jail facility na makulong si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay makaraang mag-isyu na rin ng warrant of arrest ang Branch 109 ng Capas, Tarlac.

May kinalaman ito sa mga kinasasangkutang iligal na aktibidad ng dating alkalde.

Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang kopya ng warrant of arrest batay na rin sa pahayag ni PNP PIO Acting Chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo.