-- Advertisements --

Pinalilipat na ng korte sina Alice Guo at iba pang kapwa nito akusado sa regular jail facility.

Ang kautusan ay mula sa Pasig City Regional trial Court, kung saan nahaharap si Guo sa kasong qualified human trafficking.

Base sa direktiba, ipinalilipat na ito sa Pasig City Jail Female Dormitory mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Facility sa Quezon City.

Ayon naman sa kampo ng sinibak na mayor, pinag-aaralan na nila ang magiging legal na hakbang sa panibagong kautusan ng hukuman.

Una nang sinabi ng legal counsel nito na si Atty. Stephen David, nangangamba sila sa banta sa buhay ng dating alkalde.

Hindi naman nito ibinunyag kung saan nanggagaling ang naturang banta.