-- Advertisements --

Muling tatakbo sa pagka-alkalde sa Bamban, Tarlac si Alice Guo.

Kinumpirma ng kaniyang abogadong si Atty. Stephen David ang plano ng kaniyang kliyente na maghain ng Certificate of Candidacy para sa 2025 elections.

Inihahanda na ng kaniyang kampo ang mga kinakailangan na mga dokumento.

Giit pa ni David, nais nilang ang mga mamamayan ng Bamban ang madesisyon kung gusto pa ba nila ito.

Una ng sinabi ng Commission on Election (COMELEC) na papayagan nilang makapaghain ng kaniyang COC si Guo.

Magugunitang pinatalsik ng Office of the Ombudsman si Guo sa pagka-alkalde dahil noong Agosto dahil sa grave abuse of discretion na may kinalaman sa operasyon ng Philippine offshore gaming operator o POGO hub sa Tarlac.