Nag-plead ng not guilty si dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa material misrepresentation complaint na inihain laban sa kaniya dahil sa umano’y pagsisinungaling sa kaniyang certificate of candidacy noong 2022 elections.
Ginawa ni Guo ang naturang plea sa kaniyang pagharap sa pamamagitan ng video conference sa kaniyang arraignment o pagbasa ng hatol sa kaniya sa Capas Regional Trial Court Branch 66 ayon sa isa sa legal counsel ni Guo na si Atty. Nicole Jamila.
Matatandaan na nag-ugat ang naturang reklamo laban kay Guo matapos akusahan ng Commission on Elections ng paglabag sa Section 74 ng Omnibus Election Code nang maghain ito ng kaniyang kandidatura sa pagka-Alkalde noong 2022 elections kahit pa siya ay isang Chinese national at hindi Pilipino matapos tumugma ang kaniyang fingerprint sa Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.
Samantala, target naman ng kampo ni Guo na maglagak ng piyansa sa susunod na linggo dahil bailable offense naman umano ito.