Kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI) commissioner Norman Tansingco na mayroon silang natanggap na impormasyon na nananatili ngayon sa Jakarta, Indonesia si dismissed Bamban Tarlac, Mayor Alice Guo.
Ayon kay Tansingco, ang naturang impormasyon ay ibinahagi sa kanya kagabi .
Ginawa ni Tansingco sa isinagawang inquiry ng Senate justice and human rights subcommittee sa senado ngayong araw kung saan binusisi ng mga senador si Sheila Guo kung saan ang lokasyon ngayon ng dating alkalde.
Inamin rin ni Sheila Guo na kasama niyang tumakas at lumabas ng Pilipinas si Alice Guo at si Wesley Guo.
Sila ay parehong isinasangkot sa ilegal na operasyon ng POGO sa kanilang bayan sa Tarlac at iniuugnay rin sa sinalakay na scam hub o pogo hub sa Porac, Pampanga.