-- Advertisements --

Pinag-iisipan na ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung kailan at paano siya susuko sa Senado.

Ayin kay Atty. Stephen David, abogado ni Guo na maaaring dumalo si Guo sa susunod na nakatakdang pagdinig kaugnay sa umano’y ilegal na mga aktibidad sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Hulyo 29.

Paliwanag ni David na kung susuko ngayon si Guo matagal siyang makukulong sa Senado hanggang sa susunod na pagdinig, na sa tingin nito ay sa July 29 kaya’t kung dadalo man umano ang suspendidong alkalde ay sa susunod na pagdinig na lamang.

Ginawa ni David ang pahayag ilang araw matapos ipag-utos ng Senado na arestuhin si Guo makaraang mabigo itong dumalo sa paglilitis sa kabila pa ng subpoena.

Hindi din matunton ng Senate sergeant-at-arms si Guo at ang kanyang mga kapatid sa kanilang mga nakalistang ari-arian.

Bagamat una ng sinabi ni Atty. David na hindi umalis ng bansa ang alkalde.