-- Advertisements --

Ililipat na si Alice Guo sa Pasig City Jail sa araw ng Lunes, Setyembre 23.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson PCol. Jean Fajardo, hindi natapos ang mga kinakailangang dokumento para sa agarang paglilipat sa kanya sa kulungan kayat aabutin pa ng Lunes bago siya tuluyang mailipat.

Ang paglilipat sa dating alkalde ay kasunod na rin ng order ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 na dumidinig sa kanyang kasong Qualified Human Trafficking.

Sa pagkakataong ito, walang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng tinanggal na alkalde.

Sa kasalukuyan, mananatili muna sa PNP custodial center si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.