-- Advertisements --

Nanindigan si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping na hindi siya spy ng China.

Ito’y makaraang maungkat sa Quad Committee hearing ang pagiging Chinese asset nito, base sa salaysay ng isa ring spy na nasa Thailand.

Sa isang documentary, lumabas ang umano’y larawan na kahawig ni Guo at binanggit pa ang pangalang Guo Hua Ping.

Maging ang sinasabing pagtanggap ng donasyon ng sinibak na alkalde para sa campaign fund ay inusisa rin sa kaniya.

Pero mariin itong pinabulaanan ng dating alkalde.

Samantala, bagama’t hindi pa raw niya alam kung paano ang kanilang magiging legal action, balak nilang magdemanda laban sa isang international network na naglabas ng nasabing video.

Ikokonsulta umano niya sa kaniyang mga abogado ang posibleng hakbang ukol dito.