CENTRAL MINDANAO – Matagal ng alitan sa pamilya ang ugat sa sumiklab na engkwentro ng dalawang Moro fronts sa hangganan ng Pagalungan, Maguindanao at Pikit, North Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Pagalungan Vice-Mayor Datu Abdilah Mamasabulod.
Naayos na umano ang gusot ng dalawang pamilya ngunit muling nagka-engkwentro nang mapang-abot ang mga armado nitong tauhan.
Dagdag ni Mamasabulod na wala umanong kinalaman ang organisasyon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ngunit personal na alitan o rido ng dalawang armadong pamilya.
Namahagi na rin ng tulong ang LGU-Pagalungan sa mamumuno ni Mayor Salik Mamasabulod sa mga residente na lumikas sa engkwentro nang naglalabang grupo.
Naideklara na rin ang tigil putukan ng dalawang grupo nang mamagitan ang MILF/GRP CCCH, Adhoc Joint Action Group, militar, pulisya, muslim elders at mga lokal opisyal ng Pikit at Pagalungan.
Sa ngayon ay takot pa rin na bumalik ang ilang pamilyang lumikas dahil nasa paligid lamang ang mga naglalabang grupo.
Samantala tuloy-tuloy na namahagi ng ayuda ang LGU-Pagalungan sa mga pamilyang lubos na naapektuhan dulot ng COVID-19 crisis.