-- Advertisements --
Binati ni Aljur Abrenica ang kaniyang father-in-law na si Robin Padilla dahil sa pangunguna sa bilangan ng pagka-senador.
Sinabi ng actor na nararapat talaga na manguna ito dahil sa marami itong natulungan.
Hanga aniya ito sa father-in-law at masaya dito sa pangunguna sa bilangan.
Malaki rin aniyang maitutulong ng Padilla sa senado.
Si Aljur ang asawa ng anak ni Robin na si Kylie Padilla na mayroon silang dalawang anak subalit naging mainit na usapin noong nakaraang taon ang paghihiwalayan nila.