-- Advertisements --

CEBU CITY-Tutol ang alkalde sa lungsod ng Bayawan sa Negros Oriental nga si Pryde Henry Teves ang paggamit o paglalagay ng motorcycle barrier sa mga motorista sa nasasakupan nito.

Ayun pa kay Mayor Teves na bilang isang rider rin, mapapahamak ang kaligtasan at uuwi sa disgrasya ang kahihinatnan ng rider at sakay nito kung maglalagay pa ng barrier sa motorsiklo nito.

Dagdag pa ng opisyal na maapektohan ang balanse ng motor at possibleng mawalang ng kontrol ang rider saan kumbinsidio ang alkalde na isang maling hakbang ang ginagawa ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Dahil dito nagpadala ng sulat ang alkalde sa Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang pagpatupad ng No Barrier, No Backride Policy ng IATF. Naniniwala ito na ma-iintindihan ito ng presidente bilang isang rider din.

Ayun pa sa opisyal na wala sa posisyon ang IATF na mag-intervene dahil hindi ito mga motorcycle rider at walang nalalaman sa ganitong industriya. dagdap pa nito na maari siyang ma suspenso pero desidido siya na hindi mapapatupad ang bagong polisiya sa kanyang lugar.

Naniniwala ang alkalde na mamatay sa disgrasya ang rider at ang sakay nito at hindi dahil sa sakit na COVID-19.