BACOLOD CITY – Ikinatuwa ni Bacolod City Mayor Evelio Leonardia ang pagkapili sa kanya bilang bagong presidente ng League of Cities in the Philippines (LCP).
Sa election na isinagawa sa isang hotel sa Metro Manila kahapon, nakakuha si Leonardia ng 96 votes mula sa 145 mayors sa buong bansa sa pamamagitan ng concensus voting.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Leonardia, naniniwala itong ngayon na ang kanyang pagkakataon na maging LCP president.
Ayon dito, miyembro rin ng LCP board sa kanyang termino bilang alkalde.
Natuwa ito dahil nabigyan din ngayon ng pagkakataon ang mga taga-Visayas dahil sa loob ng maraming taon, taga-Luzon ang napipiling LCP president.
Nagpasalamat din si Leonardia dahil inindorso rin siya ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Payo nito sa mga city mayors, “i-align” ang plano at programa sa national government.
Si Leonardia ay uupo bilang national president ng LCP hanggang taong 2022.