-- Advertisements --
Itinanggi ng alkalde ng Alabat sa Quezon na talamak pa rin ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Kasunod ito sa pagkakaaresto ng 42 Chinese nationals na sangkot sa POGO.
Ayon kay Alabat Mayor Jose Ramil Arquiza, na nagpanggap ang mga ito umano ay mga trabahador sa ipinapatayong wind turbines at hindi sa gambling.
Pawang mga subscontractor ang mga ito na kinuha para sa renewable energy ng kaniyang bayan.
Handa umano ang alkalde na makipagtulungan sa mga otoridad para mapatunayan ang legal status ng mga naarestong Chinese citizens.
Magugunitang inaresto ang mga 42 Chinese sa lugar na walang mga dokumento kung saan hinihinalang magtatayo ang mga ito ng POGO hub.