-- Advertisements --

BAGUIO CITY – May pagdududa si Itogon Mayor Victorio Palangdan sa naging assessment ng Mines and Geo Sciences Bureau (MGB)-Cordillera tungkol sa kalagayan ng anim na paaralan sa Itogon, Benguet.

Maaalalang nagsagawa ang MGB-Cordillera ng Hazzard Vulnerability Assessment sa Ucab Elementary School, Ampucao Elementary School, Ampucao National High School, Loakan Elementary School, Loakan National High School at sa Goldfield Elementary School.

Nagresulta ito para sabihin ng MGB-Cordillera na nasa mga geo-hazzard zone ang mga nasabing paaralan.

Gayunman, sinabi ng alkalde na hindi niya pinagkakatiwalaan ang resulta nga assessment dahil maituturing itong unjust declaration ng MGB.

Aniya, walang basehan ang MGB para maideklarang hazardous ang kinatatayuan ng mga nasabing paaralan.

Makikipagpulong ang alkalde sa MGB at Department of Education (DepEd)-Cordillera para sa nasabing usapin.