-- Advertisements --

Patay ang alkalde ng Johannesburg, South Africa na si Jolidee Matongo dahil sa aksidente sa edad na 46.

Nangangampanya ang alkalde para sa pagtakbo ni South African President Cyril Ramaphosa ng maganap ang aksidente.

Hindi namang nagbigay pa ng ibang detalye ang mga otoridad sa nangyaring aksidente.

Si Matongo ay naging alkalde noong Agosto 10 ng pumanaw na ang pinalitan nito dahil sa COVID-19.

Nanguna si President Ramaphosa sa pakikiramay sa pumanaw na alkalde.