CENTRAL MINDANAO- Hinikayat ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr ang publiko na huwag magpakalat ng mga balitang hindi naman kumpirmado.
Aniya, sa mga ganitong gawain, imbes na makatulong ay baka maglagak pa sa hindi maayos na kahahantungan.
Dagdag pa ng Alkalde hindi masama ang magtanong pero dapat ay sa mga kinauukulan at right person o grupo lamang ang paniwalaan sa mga kumakalat na balita.
Para sa mas totoong impormasyon, hinikayat ni Mayor Guzman ang publiko na ugaliing bisitahin ang unladkabacan facebook page.
Kumakalat ang hindi totoong mga balita hinggil sa malagim na masaker at nais pa ng ibang grupo na pag-awayin ang mga kristiyano at Muslim.
Ang iba naman ay gumagawa ng kwento kahit hindi pa lumabas ang resulta ng imbestigasyon at gustong ilihis ang totoong nangyari.
Pagtutulungan at pagkakaisa ang nais ni Mayor Guzman Jr para makamit ang hustisya sa brutal na pagpatay sa mga biktima.
Ngayon araw ay nakatakang gawin ang Municipal Peace and Order Council meeting (MPOC) sa bayan ng Kabacan at sentrong pag-uusapan ang malagim na sinapit ng siyam katao.