-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pinabulaanan ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman, Jr. ang balitang siya umano ay COVID-19 positive.

Ayon sa alkalde, ikinagulat nito ang balitang siya nga raw ay positibo sa sakit.

Paliwanag nito, wala man itong nakikita ng madalas ay hindi ibig sabihin ay may sakit na ito.

Dagdag pa ng alkalde, malusog ang kanyang pangangatawan ganoon din ang kanyang buong pamilya at mga kasamahan nito sa kanilang pamamahay.

Hinikayat din nito ang publiko na alamin muna ang tamang impormasyon bago ipagkalat ang isang balitang hindi naman totoo.