CENTRAL MINDANAO-Sa pinakahuling datos ng DOST PAGASA, idineklara na ang pagsisimula ng La Niña Season umpisa kahapon Oktubre 15, 2021 kasunod ito ng pagtatapos ng Habagat Season.
Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Esperanza Cayanan mas malakas na ulan kumpara sa nararanasan na ulan ang maaaring matamasa ng Pilipinas.
Kaugnay nito, mas pinag-iingat ngayon ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang mga Kabakeño lalo na ang mga residenteng malapit sa ilog.
Aniya, nakahanda ang LGU katuwang ang MDRRM, KIQRT, at mga BDRRM kung kaya ay walang dapat ikabahala ang publiko, ngunit mas mainam paring maging alerto upang maowasan ang mga dalang pagbabaha ng La Niña.
Inabisuhan narin nito si MDRRM David Don Saure na mas palakasin ang monitoring sa bayan.
Samantala, ayon kay ABC Pres. Evangeline Pascua-Guzman ay kanila ng isinasaayos at pinapalakas ang monitoring ng mga BDRRM upang agad na makapagbigay ng abiso at aksyon sa mga nangangailangan.