BAGUIO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang pumanaw na ang alkalde ng Kabayan, Benguet.
Batay sa impormasyon, pumanaw si Mayor Faustino Aquisan, pasado alas-12 ng tanghali kahapon sa isang ospital dito sa Baguio City.
Itinakbo ito sa pagamutan matapos makaranas ng cardiac arrest.
Pumanaw ang alkalde sa edad na 61-anyos.
Sinabi naman ng Public Information Office ng Kabayan LGU na nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang swab results ng alkalde.
Agad namang isinailalim sa cremation ang bangkay ni Mayor Aquisan bilang pagsunod sa IATF protocols at sa ngayon ay nakalagak sa isang chapel dito sa Baguio City bago iuwi sa Kabayan at sa tahanan nila sa La Trinidad, Benguet para sa kanyang libing.
Ipinag-utos din ang mandatory home quarantine ng mga close contact ng alkalde mula March 6 hanggang March 19 habang hinihintay nila ang assessment at recommendations ng Contact Tracing Team, Patient Management and Monitoring Team at Diagnostic Team.
Si Mayor Aquisan ay advocate ng eco-tourism at nagpasimula ng mga aktibidad at programa para maitaguyod ang turismo ng Kabayan, Benguet.