-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Makikiisa si Mayor Juris Sucro kasama ang ilang tauhan ng lokal na pamahalaan ng Kalibo, Aklan upang sumaksi sa ikalawang civilian mission sa pangunguna ng Atin Ito Coalition sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 15, 2024.

Ayon kay Carla Doromal, Executive Assistant II to the Office of the Municipal Mayor ng LGU Kalibo, nais aniya ng alkalde na personal na maranasan ang mga isinasagawang resupply mission at para makapaabot din ng tulong sa kapwa Pilipino at sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Magandang pagkakataon ito para sa alkalde na malaman ang hinaing ng mga mangingisda na nagpoprotekta sa karagatan na pilit inaangkin ng China.

Dagdag pa ni Doromal na inihayag ni mayor Sucro na handa itong ibuwis ang kaniyang buhay dahil sa malaking tungkulin nito sa pagdepensa ng bansa at upang ipagdiinan ang karapatan ng mga mamamayan sa pinag-aagawang teritoryo.

Nabatid na mayor Sucro ay isa ring Philippine Army reservist.