-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagpalabas ng ultimatum na kautusan si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa mga residente sa paanan ng Mount Apo na kailangan na nilang lisanin ang lugar.

Nagkaroon na nang pagguho ng lupa at may malalaking bitak na ang Sitio Sayaban at Sitio Agco Brgy Ilomavis Kidapawan City.

Mismong mga bakwit ng lindol na nasa evacuation site ang agad inilipat sa mas ligtas na lugar.

Sinabi ni Evangelista, siyang chairman ng Kidapawan City disaster risk reduction and management council na dilikadong gumuho ang malaking bundok sa Brgy Ilomavis dahil sa mga aftershock at ulan na nararasanan ngayon dulot ng sama ng panahon.

Habang ang mga magpapaiwan naman sa Sitio Agco at Stio Sayaban,kailangang lumagda ng isang waiver kung saan nakasaad na wala nang pananagutan ang city government sa mga ito.

Hinakot ng City Govnt ang mga residente sa Brgy Ilomavis gamit ang sasakyan ng gobyerno.

Marami namang mga residente ang nanghinayang sa naiwan nilang bahay,sakahan at negosyo sa Brgy Ilomavis.