BOMBO DAGUPAN – Ibinahagi ng alkalde ng Laoac sa lalawigan ng Pangasinan ang planong pagtatanim ng tubo sa naturang bayan.
Ayon kay Mayor Ricardo Balderas, pansin daw kasi nito na kaunti lamang ang mga nagtatanim ng naturang produkto sa nasabing bayan.
Dagdag pa nito na base sa kanilang isinagawang rough estimation, umaabot sa P550,000 ang maaari nilang kitain kumpara sa mais.
Mayroon na aniya silang inihahandang dalawang ektarya ng lupang kanilang pagtataniman at ayon sa kanilang inisyal na komyutasyon, siyam na buwan ang haba ng panahon bago maharvest ang tubo.
Mas maganda pa aniya ito kumpara sa mais dahil hindi ito masyadong inaatake ng mga insekto at hindi rin gaanong masakitin.
Kung kanilang tatantsahin, ang isang hectares ay maaaring makaharvest ng 1.1 tons na litro ng juice ng tubo at ito ay maaaring magkahalaga ng P5 per liter.