-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakalabas na sa pagamutan sa Maynila si Datu Montawal Maguindanao Del Sur Mayor Datu Ohto Montawal.

Matatandaan na lulan ng Toyota Hi-Ace van ang biktima sa Roxas Boulevard Barangay 4 Pasay City noong February 22 nang pagbabarilin ito ng mga hindi kilalang suspek na mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala sa balikat at balakang si Mayor Montawal at agad dinala sa ospital sa Maynila.

Halos pitong araw na nagpapagaling ang alkalde sa kanyang mga sugat at bago lang ito nakalabas ng pagamutan.

Nagpasalamat naman si Mayor Montawal kay Allah (panginoon) dahil nakaligtas ito sa pamamaril,sa mga tumulong at nag-alala sa kanyang kalagayan sina Maguindanao Del Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu,dating Sultan Kudarat Governor Suharto”Teng”Mangudadatu,Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu,Mayor Odjie Balayman,Mayor Allandatu Angas,Dr Hance Angas,mga kaibigan,kakilala at mamamayan ng Datu Montawal.

Bago nabaril si Mayor Montawal ay dumalo pa ito sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).

Sa ngayon ay may mga person of interest na ang Pasay City PNP na patuloy nilang iniimbestigahan sa pamamaril kay Mayor Montawal.