-- Advertisements --
Binay

Ibinunyag ng ilang guro ang tangkang pagpasok ng mga school supplies ng lokal na pamahalaan ng Makati sa Pitogo High School na ngayon ay sakop na ng Taguig City.

Naniniwala ang mga ito na hindi na dapat nanghihimasok ang Makati sa mga EMBO school dahil sa inilabas na kautusan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Paglalahad pa ng mga guro na ang nasabing school supplies ay ipinadeliver ng Makati sa pamamagitan ng isang courier service delivery.

Kaagad naman itong tinanggihan ng Pitogo High School dahil batid nilang may kautusan mula sa Education Department.

Nagpapatuloy rin anila ang paglalagay ng mga bagong tarpaulin sa mga Embo schools at nagsasaad ito ng This Property is owned by Makati City.

Una ng naglabas ng Memorandum No 23-2023 si Vice President Sara Duterte na nag-uutos na ilagay sa ilagay sa direct authority ng Department of Education(DepEd) ang 14 na public schools na nasa Enlisted Men’s Barrio (EMBO) barangays upang maiwasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang lungsod.

Nakapaloob din sa memo na habang nasa transition period ang lahat ng kilos ng Makati at Taguig LGU ay may pahintulot mula sa DEped Office of the Secretary.

Samantala, sinabi rin si DepEd Spokesman Michael Poa na ang naging kautusan ng Supreme Court ay sa may legal jurisdiction ng Taguig ast habang hindi pa nareresolba ang isyu tungkol sa kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng mga school buildings ay kailangang bumalangkas ng transition Plan.

Iginigiit naman ni Makati City Mayor Abby Binay na dapat bilhin o rentahan ng Taguig ang mga school buildings kung nais nitong makumpleto ang paglilipat ng mga EMBO schools sa Taguig.

Nagpahayag rin ng suporta ang Taguig City sa hakbang ng DEped para sa smooth, orderly at peaceful transition para sa administrasyon ng mga paaralan patungo sa kanilang lungsod.