Muling magpapatuloy ngayong araw ang service-oriented fora na “Kalinga sa Maynila” sa lungsod ng Maynila.
Ito’y matapos nga na inanusyo ito ni Manila Mayor Honey Lacuna, kahapon.
Isinasagawa ang Kalinga sa iba’t ibang barangay upang maibigay ang lahat ng mga pangunahing serbisyo na karaniwang hinahanap ng mga residenteng papunta sa Manila City Hall.
Sinuspinde ang fora noong Disyembre dahil sa holidays dahil kailangan ng city government units na gamitin ang probisyon ng payouts at Christmas food boxes sa halos 900 households, kabilang ang senior citizens at ang payouts.
Sinabi ng alkalde na ang mga lugar na sasakupin ng Kalinga sa Maynila ay ang barangay 696, 697, 698, 699, 702, at 703 sa Malate.
Aniya, ang mga residente sa mga sakop na barangay ay bibigyan ng libreng medical consultation, basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, parking registration, registration of persons with disability, solo parent, at senior citizens, clearing and flushing operations, tubig, kuryente. at pagtatanong ng permiso sa gusali, mga serbisyo ng notaryo, clearance ng pulisya, at mga bakanteng trabaho.
Ang unang Kalinga ngayong taon ay gaganapin sa kanto ng Vasquez at Nakpil Streets sa Malate, District 5, Maynila alas-8 ng umaga ng Biyernes.
Kabilang sa mga tanggapan ng Manila City Hall na sasali sa fora ay ang Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works, Manila, Manila Police District, Manila Barangay Bureau, Manila Civil Registry Office, City Legal Office, Manila Health Department, Manila Department of Social Welfare, Public Employment Service Office – City of Manila, Manila Office of Senior Citizens’ Affairs, Manila Veterinary Inspection Board at ang City Treasurer’s Office.
Sinabi ni Lacuna-Pangan na lahat ng pagtatanong at paghingi ng tulong ay sasagutin sa panahon ng forum tulad ng mga nauna nang ginanap sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Aniya, ang Kalinga sa Maynila ay naglalayon upang dalhin ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaang lungsod sa mga komunidad ng katutubo upang ang mga residente ay hindi na kailangang pumunta sa city hall at makatipid sa oras at pera sa transportasyon.