-- Advertisements --

Nagbabayad na ang mga otoridad sa Moscow City ng dagdag na halaga sa kanilang mga sundalo para sa paglaban sa Ukraine.

Ayon kay Moscow Mayor Sergey Sobyanin, na mayroong matatanggap na $22,000 o katumbas ng P1.1 milyon bilang signing bonus sa mga residente nila na lalahok sa military.

Ang sinumang sumang-ayon sa alok ay makakatanggap agad ng $59,600 o katumbas ng mahigit P3.7-M na loob lamang ng unang taon ng kanilang serbisyo.

Makakatanggp din ng one-time cash payment na $11,390 o mahigit P600-K ang sinumang masugatan sa labanan at ang pamilya ng nasawing sundalo ay makakatanggap ng nasa $34,150 o katumbas ng halos P2-M.

Magugunitang nagkukumahog ngayon ang Russia na magpalakas ng kanilang mga sundalo dahil sa aabot sa 70,000 na ang mga nasawi mula ng sakupin ang Ukraine noon pang Pebrero 2022.