-- Advertisements --

Handang tuparin sa susunod na linggo ng alkalde ng Paris ang pangako nitong siya ay maglalangoy sa Seine River para matiyak na ito ay ligtas at malinis.

Noon pang nakaraang buwan ay maraming mga batikos na ang nasabing ilog ay hindi ligtas para gawin ang ilang water activities ng Olympics.

Sinabi ni Paris Mayor Anne Hidalgo na lalangoy siya sa susunod na linggo para ipakita na ito ay malinis na.

Nakatakda kasing lumangoy ang mga atleta sa ilog sa triathlon at marathon swimming naman sa Agosto.

Kumpiyansa naman ang organizers ng Paris Olympics na magiging malinis na ang ilog ilang araw bago ang pormal na pagsisimula ng Paris Olympics.