-- Advertisements --

Tinupad ni Paris Mayor Anne Hidalgo ang naging pahayag nito na siya ay lalangoy sa Seine River.

Isinagawa ng alkalde ang paglangoy para patunyan na malinis na ang ilog na gagamitin sa Paris Olympics.

Bukod sa paglangoy ay sumisid pa ang 65-anyos na alkalde kung saan ipinagmalaki nito na nalinisan ang ilog.

Noong nakaraang linggo rin ay lumangoy sa parehas na ilog si French Sports Minister Amélie Oudéa-Castéra.

Gaganapin sa ilog ang triathlon event kung saan base sa pinakahuling water testing ay mataas pa rin ang E.coli nito na mapanganib sa kalusugan ng mga atleta.