-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Political harassment umano ang kumakalat na balita na suspension order kay Pigcawayan Cotabato Municipal Mayor Jean Dino Roquero.

Ito mismo ang kinumpirma ni Atty Noel Gretare ang legal council ng alkalde.

Nag-ugat ito sa isinampa na administrative case ng pitong negosyante sa Sangguniang Panlalawigan laban kay Mayor Roquero hinggil sa stall o pwesto nito sa municipal gym.

Unang naglabas ng Executive Order 42 si dating Pigcawayan Mayor Eliseo”Jun”Garcesa na nilagdaan nito noong Hunyo 10,2019 at Hunyo 30 ay magtatapos na ang kanyang termino.

Sa sinumpaang salaysay ni Mayor Roquero na naniniwala siya na “midnight transaction” ang EO 42 ni dating Mayor Garcesa dahil mabilis itong naaprobahan at hindi man lang dumaan sa Economic Enterprise Adjudication Committee.

Dahil gustong ituwid ni Mayor Roquero ang unang pagkakamali kaya naglabas siya ng Revoke Executive Order 38 at pinawalang bisa ang unang EO ni dating Mayor Garcesa.

Dagdag ni Atty Gretare na hindi kwalipikado na magkaroon ng stall sa kilid ng municipal gym ang pitong negosyante dahil kamag-anak sila ng ilang local officials sa bayan ng Pigcawayan.

Malaki ang paniniwala ni Gretare na may bahid politika ang isinampang administrative case laban kay Mayor Roquero at nagpadala na rin sila ng counter affidavit sa SP Cotabato para sagutin at linawin ang isyo.

Nilinaw naman ni Mayor Jean Dino Roquero na hindi niya inabuso ang kanyang katungkulan at nais lamang nito na mapangalagaan ang kapakanan ng taumbayan.

Samantala sa panig naman ni Ex-Mayor Jun Garcesa sinabi nito na wala siyang nilabag sa inilabas na EO 42 dahil dumaan ito sa tamang proseso at doon na lamang nila sagutin ang isinampang administrative case sa SP-Cotabato.