-- Advertisements --
Patay matapos pagbabarilin ang alkalde ng Rizal sa lalawigan ng Cagayan na si Mayor Atty. Joel Ruma.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nangyari umano ang insidente habang nagsasagawa ng pangangampanya ang alkalde sa Barangay Iluru Sur,Rizal nitong pasado alas-9 ng gabi ng Abril 23, 2025.
Habang nagpi-picture taking na ang alkalde kasama ang ilang residente ng lugar ay doon na sila pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek.
Kasamang nasawi sa insidente ang dalawang close aide ng alkalde.
Itinakbo pa ito sa pagamutan subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng mga doctor.
Nagpapatuloy pa rin na tinutugis ng mga otoridad at patluoy ang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.