-- Advertisements --
Mayor Bruno Covas
Mayor Bruno Covas/ IG post

Nababahala ang alkalde ng Sao Paulo sa Brazil na baka bumagsak ang kanilang health system dahil sa dami ng mga pinapasok na pasyente na nadadapuan ng coronavirus.

Sinabi ni Mayor Bruno Covas, na umabot na sa 90% ang kapasidad at posibleng mapuno na ito ng matapos ang dalawang linggo.

Inakusahan din nito ang mga nagpatupad ng lockdown rules na tila naglalaro ng mga “Russian roulette” sa buhay ng mga tao.

Magugunitang ang Sao Paulo ang siyang pinakamatinding tinamaan ng coronavirus sa Brazil na mayroong mahigit 3,000 na ang nasawi.