-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nagdadalamhati ngayon ang alkalde ng Tapaz, Capiz matapos ang nangyaring simultaneous serving search warrant ng mga otoridad noong Disyembre 30 sa nasabing bayan.

Ito ang sinabi ni Mayor Roberto Palomar nang makapanayam ng Bombo Radyo Roxas.

Ayon kay Palomar, nakiki-simpatiya ito sa mga residente na nawalan ng mahal sa buhay matapos ang nangyari.

Dahil dito, nangako ang alkalde na tutulungan at bibigyan niya ng ayuda ang naiwang mga pamilya ng mga namatay na indibidwal.

Aniya na magsasagawa rin ito ng imbestigasyon sa nangyari kung saan pananagutin niya ang dapat managot.

Naiindtihan rin nito ang mga residente na na-trauma sa mga pulis at mga militar matapos ang nangyari.

Naniniwala naman si Palomar na hindi gagawin ng mga otoridad na pumatay ng mga inosenteng indibidwal.

Samantala, nakatakda namang kausapin ni Palomar sa kanyang pag-uwi sa lalawigan mula sa Metro Manila ang mga taong nasa evacuation center matapos lumikas dahil sa pangamba na mangyari muli sa kanila ang nangyari sa kanilang pamilya.