-- Advertisements --

CEBU CITY – Iimbestigahan ng mayor ng Compostela, Cebu kung sumali rin sa investment scheme na Kabus Padatuon (KAPA) Ministry International ang ilan sa kanyang mga municipal councilors.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Joel Quiño, sinabi nito na ilan sa kanyang mga konsehal ang pumasok daw sa naturang investment scheme.

Napag-alaman din ni Quiño na may ibinebenta umano ng ilang konsehal ang kanilang mga alagang hayop upang makapag-invest sa KAPA ngunit kukumpirmahin pa nya ito.

Samantala, hindi pa nagbigay ng pahayag ang alkalde kung papayagan bang magsagawa ng prayer rally ang mga KAPA members sa kanyang bayan.

Ayon kay Mayor Quiño, kung bibigyan ng permiso ang pagsasagawa ng prayer rally ay nangangahulugan ding hindi nya pinanindigan ang pag-iisyu ng cease and desist order laban sa KAPA.