-- Advertisements --

CEBU CITY – Malaking responsibilidad ang dapat gampanan ng mga alkalde upang malabanan ang investment scam na Kabus Padatuon (KAPA) Ministry, na maituturing na kanser ng lipunan, ayon sa isang alkalde.

Sinabi ni outgoing Compostela, Cebu Mayor Joel Quiño kasunod nang panawagan ng Securities and Exchange Commission (SEC) na dapat kontrolin ng mga local chief executives ang mga naglalabasang investment scheme.

Sinabi ni Quiño na may karapatan ang mga alkalde na makialam sa mga investment scheme gaya ng KAPA upang wala nang mabiktima rito.

Dagdag pa kay Quiño, responsibilidad ng isang alkalde ang pagababantay sa mga naglalabasang investment scheme upang masiguro ang kinabukasan ng bawat mamamayan.

Iginiit din ng alkalde na kung sinong mayor ang hindi nakikialam nito ay posibleng may kinalaman ito sa pagpasok ng mga investment scam.