-- Advertisements --
ILOILO CITY – Dumipensa si Concepcion, Iloilo Mayor Milliard Villanueva sa akusasyon na gumagawa ito ng indirect vote buying.
Ito ay kasunod ng pagdawit sa kanyang pangalan sa blotter report tungkol sa pamimigay umano ng balde na may mga lamang groceries.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Villanueva, sinabi nito pinupulitika lamang siya ng kanyang mga katunggali.
Ayon sa alkalde, ang mga binibigay nito ng balde na may lamang bihon, sardinas, kape at thermometer ay tulong sa mga residente sa kanyang nasasakupan na labis na naapektuhan ng El Niño.
Ani Villanueva, ang perang ginamit sa nasabing groceries ay hindi nanggaling sa kaban ng gobyerno.
Si Villanueva ay tumatakbong bise alkalde sa nasabing bayan.