-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Hinangaan ang isang Alkalde sa lalawigan ng Maguindanao sa taos pusong pagtulong nito sa kanyang mga nasasakupan.

Batid ni Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal at ang kanyang anak na si Vice-Mayor Datu Vicman Montawal na hindi pa sapat ang kanilang naibigay na ayuda sa kanilang mga kababayan.

Kaya naisip ni Mayor Datu Otho Montawal na anihin na lamang ang kanyang mga pananim na palm oil sa kanyang sakahan at ibili ang benta nito ng bigas, delata, noodles at iba pa para sa karagdagang tulong sa mga residente na grabeng naapektuhan sa Public Health Emergency laban sa Coronavirus Disease o Covid 19.

Unang bibigyan ng tulong ang mga mahihirap na pamilya sa labing isang Barangay sa bayan ng Datu Montawal.

Ayon kay Teng Ampang na kahit walang saguna sa kanilang bayan ay namamahagi ng tulong ang mag-amang Montawal.

Sa ngayon ay hinigpitan pa pagbabantay ng mga pulis, sundalo, BFP,Medical Team, mga Volunteers at ibang Frontliners sa entry at exit points sa bayan ng Datu Montawal lalo na na may nagpositibo sa Covid 19 sa bayan ng Midsayap Cotabato at Datu Odin Sinsuat Maguindanao