-- Advertisements --

Nagsampa ngayon ang Office of the Ombudsman ng graft and corruption case laban kay Mulanay, Quezon Mayor Joselito “Tito” Ojeda at apat na department heads dahil sa paglabag ng mga ito sa Section 3 (e) ng R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kabilang din sa mga akusado si Engr. Delio De Leon, Municipal Engineer at Chairman ng Bids and Awards Committee; Marissa Cortez, Municipal Planning and Development Coordinator; Noel Eroa, Municipal Budget Officer at Marina Palilio, Revenue Collection Clerk Il na members Bids and Awards Committee (BAC).

Ang kaso ay nag-ugat sa desisyon ng Local Government Unit (LGU) ng Mulanay, Quezon sa pagbili ng isang unit ng generator set na nagkakahalaga ng P500,000.

Ayon sa complainant na si Crispin Burgos Bariata, nagsabwatan umano ang mga akusado para dalhin ang generator sa Kamhantik Mountain na anim na kilometro ang layo mula sa Poblacion ng Mulanay at ginamit ito para makapag-supply ng electricity kapag may power outage sa radio station na Katigbak Enterprises, Inca (KEI), na pag-aari at ino-operate ng pamilya ni Mayor Ojeda.

Gayunman base sa isinagawang imbestigasyon ng Field Investigation Bureau Luzon ng Ombudsman, lumalabas na inirekomenda ng BAC kay Mayor Ojeda na i-award ang kontrata sa Alta Manpower Corporation (AMC), na idineklarang nag-iisang eligible bidder sa kabila nang kakulangan ng ilang technical documents.

Lumalabas ding ang award sa AMC ay isinagawa nang walang post-qualification procedure at ipinag-utos ni Mayor Ojeda kay Municipal
1
Treasurer Anita B. Romasanta na ihanda ang pag-deliver sa tseke sa AMC bilang bayad sa generator set bago ang delivery.

Sa resolusyon ng Ombudsman na may petsang February 6, 2018, ang hakbang ng BAC members na pagpayag sa opening at evaluation ng financial component na isinumite ng AMC as kabila ng kabiguan na maipasa ang technical component ay taliwas sa R.A. 9184, o Government Procurement Reform Act.

Kailangan din umanong managot ni Mayor Ojeda dahil tungkulin nito bilang head ng procuring entity na busisiin muna kapag nasunod talaga ang prescribe na bidding rules at nasunod ang procedure.

Dapat ay chineck din umano ng alkalde ang bidding documents noong pipirmahan na ang kontrata.

Ipinunto rin ng Ombudsman na ang mga errors sa date of Obligation and Purchase Request at maling pangalan ng bidder sa BAC Resolution ay dapat nang ikinaalarma ni Mayor Ojeda para balikan ang compliance ng BAC sa bidding rules and procedure.

Inirekomenda naman ng Ombudsman ang piyansang P90,000 sa bawat akusado sa kanilang pansamantalang kalayaan.