-- Advertisements --
Naglunsad na ang mga kapulisan sa South Korea ng paghahanap sa alkalde ng Seoul na si Mayor Park Won-soon.
Huling naiulat kasi na nakita si Park sa Sungbuk kung saan doon na-detect ang signal ng cellphone nito.
Ayon sa anak nitong babae na nag-iwan ito ng mensahe bago umalis ng bahay ang alkalde na labis nitong ikinabahala.
Hindi na rin ito nagpakita sa opisina kinansela din ang pakikipagpulong sa presidential official sa Seoul City Hall office.
Nahalal na alkalde ang 64-anyos na si Park sa Seoul noong 2011 at noong Hunyo 2019 ay ang huling pagkahalal nito sa kaniyang ikatlo at huling termino.
Bilang miyembro ng liberal Democratic Party ni President Moon Jae-in at siya rin ay ikinokonsidera na malakas na pambato sa pagkapangulo sa 2022.