-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Tandag City, Surigao del Sur Mayor Alexander “Ayek” Pimentel na nakapasok na sa kanilang lungsod ang Kabus Padatoon (KAPA) International Community Ministries Incorporated.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Pimentel na nagsimula ang operasyonnga KAPA nitong Marso 6 lamang, at personal din daw niyang nakausap ang founder nitong si Pastor Joel Apolinario.

Ayon kay Pimentel, ipinaliwanag umano ni Apolinario sa kanya na mag-o-operate ang KAPA sa kanilang lungsod bilang isang religious organization kung kaya hindi na raw nila kailangan ng permit to operate.

Una rito, nagsimula na rin ang operasyon ng KAPA sa Bislig City matapos i-take over daw ang isang produkto kaya kinalingan nitong kumuha ng permit.

Ngunit dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng KAPA sa naturang lungsod ay naglabas na raw si Pimentel ng “scam alert” sa kanyang mga constituents matapos magpalabas cease and desist order (CDO) ang Securities and Exchange.