CENTRAL MINDANAO-Kagagawan ng Alkhobar Terror Group ang panununog ng Bus sa M’lang Cotabato.
Unang kinumpirma ng Cotabato PNP na una ng suspek ang Alkhobar sa bombang sumabog sa Tulunan Cotabato at tinamaan ang nakaparadang Yellow Bus Line.
Dati na rin na humihingi ng protection money ang Alkhobar sa YBL kung saan nagbanta itong susunugin at pasasabugan ang mga unit ng YBL kung mabigo itong magbigay.
Batay sa pinagtapi-tagpi na imbestigasyon ng pulisya at pahayag ng ilang testigo na tatlong mga suspek na lulan ng motorsiklo ang nakitang nagsaboy ng gasolina sa Yellow Bus Line (A-104) sa Barangay Bialong M’lang Cotabato.
Dinikitan umano ng motorsiklo ang Bus,isa ang nagsaboy ng gasolina,isa ang nagsindi at isa ang nagmaneho ng motorsiklo kung saan tatlo lahat ang mga suspek.
Matatandaan nang magliyab ang bus, tatlo pasahero ang nasawi,lima ang naisugod sa pagamutan at isa ang nakaligtas.
Unang naglabas ng P100K si M’lang Mayor Russel Abonado at sinundan ni Cotabato Governor Nancy Catamco ng P100K reward money sa makapagtuturo sa kinaroroonan at matukoy ang mga suspek.
Mariin namang kinondena ni Cotabato Vice-Governor Emmylou “Lala”Mendoza ang panununog ng bus at hiniling sa mga otoridad ang malalimang imbestigasyon.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng North Cotabato PNP sa naturang pangyayari.