Nananatili pa rin kay singer-songwriter Mariah Carey ang korona bilang “Christmas Queen,” matapos umangat muli sa Billboard Hot 100 ang kantang “All I Want For Christmas Is You,” ngayong lingo.
Ang naturang kanta ay 16 na beses na rin nanguna sa Billboard Global 200, kung saan niraranggo ang mga kanta base sa kabuoang sales na nakalap nito sa 200 na mga bansa.
Habang 13 na beses naman na nanguna si Mariah Carey sa Billboard chart dahil sa pumatok niyang Christmas song.
Natuwa naman si Mariah nang makita niya sa isang social media post ang globo sa Mall of Asia, kung saan tampok ang tinaguriang “Christmas Queen” sa led display ng globo.
Naglabas ng mini-documentary si ang singer-songwriter na nagpapakita ng behind-the-scenes ng kanyang concert tour na “Merry Christmas One And All!”
Ipinakita na rin ni Mariah ng bagong music video ng “All I Want For Christmas Is You,” na hinahandog niya para sa kanyang mga taga-suporta.
Photo courtesy from Billboard.