-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Suspendido ang klase ng lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Baguio City at Benguet Province na nagsimula ngayong araw hanggang March 22.

Bahagi ito ng precautionary measure ng dalawang LGUs para mai-iwas ang mga mag-aaral sa COVID-19.

Ipinag-utos din ang pagsasagawa ng mga school officials at administrators ng sanitation at disinfection sa mga silid paaralan at mga pasilidad ng mga ito.

Samantala, inilabas ni Benguet Governor Diclas ang Executive Order No. 2020-14 na nagsuspindi sa lahat ng mga tourism events at crowd-drawing activities sa lalawigan, kasama ang operasyon ng mga restobars at karaoke bars na epektibo ngayong araw hanggang April 10.

Inihayag din ni Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC) chief Dr. Ricardo Ruñez na hindi na sila tatanggap ng mga private patients para lahat ng mga available na private rooms doon ay gagamitin kung sakaling tataas pa ang bilang ng mga patients under investigation na maa-admit doon.

Nag-lockdown din ang Saint Louis University Hospital kung saan sa main entrance nito pwedeng dumaan ang mga watchers dahil hindi na rin tatanggap ang mga ito ng mga bisita lalo na ang mga walang official business doon.

Pareho namang nagtayo ang dalawang ospital sa lungsod ng triage area para sa mga kliyente ng mga ito.