-- Advertisements --
eduard folayang MMA
2-time ONE lightweight world champion Eduard Folayang

BAGUIO CITY – Ipinangako ni reigning ONE Championship strawweight world champion Joshua Pacio ang “all out” performance sa kanyang ikalawang title defense sa main event ng ONE: Fire and Fury mamayang gabi sa Mall of Asia Arena.

Ito ay sa kabila ng malaking hamon na dala ng kanyang challenger na si dating ONE Strawweight World Champion Alex Silva.

Ayon sa kanya, komportable siyang lumaban sa harap ng kanyang mga kababayan lalo pa at unbeaten siya rito sa Pilipinas.

Aniya, malaki ring pribilehiyo na makaharap ang isang dating world champion na may napakagandang Brazilian jiu-jitsu.

Sinabi rin ni 2-time ONE lightweight world champion Eduard Folayang na gusto niyang simulan ang 2020 sa pamamagitan ng isang statement-making victory sa kanilang paghaharap ni Pieter Buist sa co-main event.

Kokompletuhin naman nina Danny Kingad, Lito Adiwang at Gina Iniong ang quintet ng Team Lakay na lalaban sa nasabing fight card.