Nagharap kanina sa final press conference sa California ang dalawang Pinoy champions na sina WBC bantamweight world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire (41-6, 27 KO) at wala pang talo na si interim WBC bantamweight champion Reymart Gaballo (24-0, 20 KO).
Ang dalawa ay nag-face to face sa final press conference.
Hindi naman nahiwatigan ng anumang galit sa bawat isa ang dalawa at nagkakabiruan pa.
Ayon kay Donaire, 39, kahit magkababayan sila ni Gaballo, 25, proud na proud siya dahil sinuman ang mananalo sa kanila ay Pinoy pa rin.
Inihalimbawa pa niya ang mga Mexican boxers na kadalasan sila-sila rin ang naglalaban para sa korona.
Samantala, ipinagmalaki naman ng big time boxing promotions sa Amerika na Showtime ang magaganap na main event sa Linggo na kapwa mga Pinoy ang babandera sa buong mundo.
Kung maalala ang future Hall of Famer na si Donaire ay ipinanganak sa Bohol at lumaki sa GenSan habang si Gaballo naman ay nagmula sa Polomolok, South COtabato.