-- Advertisements --

Naitala ngayon sa National Football League (NFL) ang COVID-19 outbreak nang umabot sa 36 na mga players at staff ang nagpositibo sa virus.

NFL football
NFL official Twitter account (@NFL)

Sinasabing ito na ang all-time high sa liga na may pinakamaraming “single day record” mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Ang staff member ay nakumpirmang nagpositibo pa sa Omicron variant na unang kaso sa liga.

Samantala, inanunsiyo ng NFL na ang lahat Tier 1 at 2 staff members ay matatapos na ang booster shot sa December 27.