-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagpamigay ng mga bulaklak ang mga kasapi ng All Women City Mobile Force Company sa mga nanay na nagtitinda sa pamilihang Lunsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Ednalyn Pamor, Force Commander ng All Women City Mobile Force Company na pinangunahan ng kanilang SWAT team ang pagbibigay ng mga bulaklak sa mga nanay na nagtitinda sa palengke.

Natutuwa anya sila dahil sa mayroong mga nagsabi na ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng mga bulaklak at hindi pa galing sa kanilang mga mister.

Dinalaw din anya nila ang BJMP pangunahin na ang tatlumpu’t pitung mga nanay na nakakulong.

Binigyan anya nila ang mga nanay na nakakulong ng mga hygiene kits tulad ng toothpaste toothbrush at mga food packs.

Bukod dito ay nagpamigay din sila ng mga baloons na dumaraan sa kanilang checkpoints.

Matapos anya ang kanilang mga aktibidad ay nagkaroon din sila ng kaunting salu-salo sa kanilang himpilan bilang pagdiriwang ng mothers day kahit malayo sa kani-kanilang pamilya.