BACOLOD CITY – Patay ang isang lalaki na iniuugnay sa iligal na druga habang sugatan naman ang kanyang live-in partner matapos pagbabarilin sa lungsod ng Bacolod kagabi.
Kinilala ang biktima na si Roberto Salvador alyas Kumpol, 50, ng Brgy. 3, Bacolod City ngunit tubong Sagay City, Negros Occidental.
Isang tama sa ulo ang tinamo ng biktima nang ito ay pagbabarilin sa Brgy. 2, Bacolod City pasado alas-8:00 kagabi.
Maliban kay Salvador sugatan din ang kanyang live-in partner na si Christine Tipon, 30. Dalawang tama ng bala ang natamo ni Tipon sa kanyang kanang binti, isa sa kaliwa at isa naman sa braso.
Batay sa imbestigasyon ng Police Station 2 sa pangunguna ng commander na si Major Sherlock Gabana, naglalakad lamang ang dalawa ng pagbabarilin ng dalawang suspek na naglalakad din.
Base sa mga inisyal na impormasyon na nasagap nina Gabana, ito na ang pangalawang beses na tinangkang patayin si Salvador at iniuugnay din ito sa panlilinlang daw sa iligal na droga na kung saan sa halip na shabu, tawas ang binibigay nito sa kustomer.