KALIBO, Aklan—Kontento ang Alliance of Fiilipino Overseas Community sa Jakarta, Indonesia sa mga binitawang concern at issues ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa plenaryo sa ginanap na 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa nasabing bansa.
Ayon kay Bombo International Correspondent Rudy Celeste, inihayag ng pangulo ang topiko kaugnay sa West Philippine Sea upang makakuha ng peace support sa kapwa nation leader; food security para sa mga Pilipino para tiyaking walang magugutom sa ilalim ng kaniyang administrasyon at sa enerhiya dahil halos nakadepende tayo sa importasyon.
Ngunit, ang nais sa ngayon ng kanilang organisasyon na makipag-coordinate sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang ma-impart ang kanilang kaalaman at mga naobserbahan sa ilang dekadang pamumuhay sa Indonesia.
Sa ganitong paraan aniya ay makatulong sila sa pagpapalakas ng ekonomiya, kultura at exportation ng iba’t ibang produkto.
Upang matupad ang food security ay kailangan may sapat na produktong ipinoproduce locally at kung hindi kaya ay saka na lamang mag-import gaya ng mga agricultural products.
Huwag gawing prayoridad ang importasyon dahil kaya ng mga Pilipinong magproduce kung tutulungan lamang ng pamahalaan na mahinang ang kakayahan ng bawat isa lalo na ang may mga kaalaman sa iba’t ibang larangan.
@