-- Advertisements --
image 374

Nasa 56. 4 percent na ng kabuuang 2023 national budget ang naipamahagi sa ibat-ibang tanggapan ng gobyerno.

Ito ayon sa Department of Budget and Management (DBM) as of January 31 na kung saan, sa 5. 27 triLlion pesos na pambansang pondo ay nasa 2. 97 trilyong piso na ang na-distribute.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ipagpapatuloy ng kanilang ahensiya ang mabilis na pagre – release ng budget para sa ibat-ibang programa at proyekto ng pamahalaan.

Gagawin aniya ng DBM ang paglalabas ng pondo ng episyente, transparent at buong ingat at ng sa gayon ay makasabay sa 8 point socio- economic agenda ng Marcos Administration Jr.

Kabilang sa prayoridad ng Marcos Administration na pinondohan ngayong taong ito ang para sa edukasyon, infrastructure development, health at agriculture.