Ikinadismaya ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang hindi umano pagpansin ng organizers ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games sa kanilang payo hinggil sa paghahain ng non-halal foods sa mga bisita mula sa Islamic countries.
Ayon kay Dimapuno Alonto Datu Ramos Jr., external affairs director ng NCMF, nag-alok sila noong Setyembre ng tulong sa organizers kasabay ng paalala na maging sensitibo at maingat sa rasyon ng pagkain sa mga Muslim na atleta at delegado.
Pinayuhan din daw nila ang organizers na magkaroon ng Qiblah markers, ablution areas, at hiwalay na prayer rooms.
Nabatid ng NCMF ang ulat na hinainan ng kikiam ang mga atleta na isang uri non-halal food.
Una ng sumulat sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee ang chef de mission ng Singapore kaugnay ng kanilang hinaharap na sitwasyon.
Bukod kasi sa Singapore, ilang Muslim athletes din ang galing sa Brunei, Malaysia at Indonesia.